“Ayon dismayado pa rin. Hanggang ngayon, hanggang kailan pa kami mag-aantay?
Hanggang ilang anibersaryo pa ba ang dadating na para kami sisigaw sa daan at
hihingi ng hustisya?” ani Eliver Cablitas, asawa ng massacre victim na si
Marites Cablitas. Isa lamang ito sa maraming kaso na sa Pilipinas ay mahirap
talagang mabigyan ng katarungan ang ibang mga kaso lalo’t lalo na sa mga
pamilya na hindi lubos na suportado sa pananalapi. Ito ang naging masaklap sa
mga pangyayaring ito. Nasaan na ba ang katarungan na kanilang hinihingi? Nasaan
na ang tulong na pinapangako ng president at kagawaran ng Pilipinas sa kanyang
mamamayan? Nakalulungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang
mabagal. Marami ang kinamamataya
n na lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan at maaaring ito ay dahil sa nakakagalit na mga rason. Mayroong ibang tao na ipinagtatapon ang kaso sa pamamaraan ng paggamit ng kapangyarihan galing sa pera. Ang iba ay nandaraya at ipinagkubit ang pag-asang makakahanap ng hustisya sa ilan. Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o maimpluwensya.
n na lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan at maaaring ito ay dahil sa nakakagalit na mga rason. Mayroong ibang tao na ipinagtatapon ang kaso sa pamamaraan ng paggamit ng kapangyarihan galing sa pera. Ang iba ay nandaraya at ipinagkubit ang pag-asang makakahanap ng hustisya sa ilan. Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o maimpluwensya.
Sa panahon at henerasyon ngatin ngayon mahirap
sabihin kung gaano binibigyan ng pagpahalaga ng kabataan ngayon ang katarungan
lalo’t lalong na sa mga isyung hinaharap ng ibang kapwa Pilipino. Ang hustisya
o katarungan ay sensitibo at masalimuot na diskurso sa mundo ng pilosopiya. Mahirap nga itong unawain dahil
maraming pagtingin dito. Maaaring nagkakaiba ang mga pananaw ng katarungan ng
mga tao dahil nag-uugat ang kahulugan nito sa mga nagkakaibang kultura ng tao ngunit
nagkakaisa naman ang lahat sa pananaw na dapat makamit ang katarungan dahil ito
ang nagpapatibay sa paninindigan at paniniwala ng bawat kasapi ng lipunang
kanilang ginagalawan. Kung hindi nakakamit ang katarungan at palagian itong
tinatalikuran ng pamahalaan, nagiging sanhi ito ng pagbagsak ng isang
pamahalaan at pagkalusaw ng isang bansa. Ang hustisya ay mahalaga sa bawat tao
dahil kapag walang hustisya ay hindi makakamit ang katarungan. Ang hustisya ay
kailangan ng bawat tao dahil ito ang humuhusga ng katarungan ng bawat tao dahil
pagnawala ang hustisya magiging magulo ang pamumuhay ng bawat tao dahil ito rin
ang kumakatawan sa katahimikan ng ating bansa. Alam ninyo ba na ang
hustisya at katarungan ay nagpapahalaga
ng pagkalinga, respeto at paggalang sa dignidad ng tao? Ibig sabihin ay ni
rerespeto nito ang karapatang pantao ng ibang mga indibidwal.
Isang halimbawa na naganap sa Pilpinas na humihingi ng
hustisya ay ang kaso ng mga biktima ng Ampatuan Masaker, hustisya para sa mga
biktima ng paglabag ng karapatang pantao. Walong taon ang nakalilipas at sa
hanggang ngayon ay hindi parin nabibigyan ang mga kaanak ng biktima ng masaker.
Ito ang naging pinakamalaking isahang patayan sa mga myembro ng midya sa
kasaysayan. Ngunit, sa kabila ng mariing pagkundena ng mga mamamayan sa buong
mundo sa insidente, hanggang kasalukuyan ay wala pa ring hustisyang natamo ang
mga kaanak ng mga biktima.
Ang
pangyayaring ito ay ang lubos na ikinalulungkot ng maraming mamamayan na kung
saan ito rin ay ikinagagalit ng marami dahil sa walang aksyon na ginagawa.
Nakakalungkot isipin na ang pambihirang pangyayari ito ay tila sadyang isang
kasong gustong itapon dahil sa walang nais na pagsagot. Iba’t-ibang kagawaran
na ng Pilipinas ang dumaan ngunit wala kahit isa ay binigyan ng tuon ang kasong
ito. Ang mga boses ng mga biktima at mga kaanak ng biktima ay sumisigaw ng
tulong at nananawagan ng hustisya. Sa bawat pagpapalit ng administrasyon ay
padagdag lamang ng padagdag ang listahan ng mga aktibista, mga magsasaka, mga
manggagawa, at mga katutubo na nagiging biktima ng mga madudugong operasyon ng
mga militar, pulis at iba pang ahente ng pamahalaan. At ni isa sa mga na
sangkot sa mga masaker, panggagahasa, pananakit, panununog, at iba pang
paglabag sa karapatang pantao ay hindi naparusahan sa kanilang mga krimen sa
mamamayan.
Subalit sa lahat ng ito, mayroon ding tinatawag
na International Day to End Impunity na ipinagdidiwang sa ika-dalawampu’t tatlo (23) ng Nobyembre. Ang
patuloy na paglabag sa karapatang pantao sa ating bayan ay nagpapatunay na ang
impunity, ang kawalang-pananagutan, ay isang buhay na katotohanan sa ating
bayan. Ito ay pagkilala na, bagama’t
marami ng mga lokal at international na mga batas na umiiral laban sa krimen,
ay laganap pa rin ang kawalan ng pananagutan para sa mga krimen at paglabag sa
karapatang pantao sa daigdigan. Ang nais
iparating nito ay sana mabigyan o marinig lamang ang kanilang boses para sana
mapanagutan ang taong nasa likod ng lahat na ito na nakapagbibigay ng sakit sa
damdamin ng mga tao. Na sana ay mabigyan ng parusa na karapat dapat lamang para
sa mga taong nagnakaw ng kasiyahan ng tao at pamilya.
No comments:
Post a Comment